ASAR!
WAAAAAAAHH! Nanakaw phone ko, kaninang tanghali!!! Sinira pa yung bag ko!!! T_T Pauwi na kasi ako. Sumakay ako ng jeep sa may FC, tapos naging katabi ko yung bwiset na mama-gnanakaw. Nung nakakahalata nako, bigla nalang bumaba sa may Ilang-Ilang residence hall. Kala ko nga wala siyang nakuha, yun pala hindi nasa dulo or nasa side yung slash kundi dun sa may likod nung gigantic shoulder bag ko. Di ko alam kung anong gagawin ko–Ngangawa ba ako at sisigaw ng "Magnanakaaaaaaw!!!"? Bababa ba ako ng jeep at magmamala-action star na hahabulin ang mama?? Hay grabe. Buti nalang yung phone kong puro gasgas yung nakuha at hindi yung wallet ko…
Pero ang ikinaiinis ko talaga ay bakit nahayaan kong ma-biktima ako nung ungas na ‘yon. Feeling loser ako kasi na-sense ko na eh, alam ko that he was up to no good. Pero anong ginawa ko? Di ko masyado pinansin. Kebs ko ba sa kanyang pangit na tae siya. Gumalaw-galaw siya diyan, ala akong paki. Dahil doon, ala na ako ngayong cellphone. *ngwek, ngwek, ngweeek* Nandun pa naman yung records ko nung Hoobastank concert! Argh. Now it’s gone forever.
But still, thankful pa rin ako kay God dahil yun lang ang nangyari sa akin. For all I know, it could have been worse. I’m so blessed it was my bag that got slashed, and not my throat. And that it was my scraggly, needing-to-be-replaced mobile phone that was stolen, and not my life. Naks, ang drama.
Friends, ‘wag niyo na ako i-text sa number na to: 09214022327. Paki-tawagan nalang yun at if ever na mag-ring, paki-mura nalang yung sasagot. Paki-sabi rin na kahit isa siyang magaling na magnanakaw, isa parin siyang pangit na iskwater na magbabayad rin balang araw sa kanyang mga ginawa! Whew! =)
Weblogs | Comment (1)